ABS-CBN's Tayong Dalawa
Tayong Dalawa is a primetime drama series in the Philippines via ABS-CBN. Starring the most popular loveteam of this generation - Kim Chiu & Gerald Anderson. Directed by Ruel Bayani, Trina Dayrit & Malou Potestades

Tayong Dalawa is a primetime drama series in the Philippines via ABS-CBN. Starring the most popular loveteam of this generation - Kim Chiu & Gerald Anderson. Directed by Ruel Bayani, Trina Dayrit & Malou Potestades.

 


Gina Pareño thanks ‘Lola Gets’ for her first Best Actress award for TV

Category: By Administrator

Nasungkit ng aktres na si Gina Pareño ang Best Drama Actress award para sa pagganap niya bilang si ‘Lola Gets’ sa teleseryeng Tayong Dalawa sa 23rd Star Awards for Television ng Philippine Movie Press Club, Inc. Ito ang unang drama actress award na nakuha ni Gina sa Star Awards for TV. Although, two years ago nanalo rin si Gina sa Star Awards for TV sa Best Single Performance By An Actress para sa episode ng Maalaala Mo Kaya na ‘Rehas.’ “I’m so thankful, kasi, eto (Tayong Dalawa), e, sinamahan ng ating mga manonood for nine months, Monday to Friday. Nakakatuwa kasi talaga namang maski na ‘yung tunay ko’ng pagkatao ang tawag nila sa akin ‘Lola Gets.’ I’m so happy for that kasi, unang-una, ganu’n nila kamahal ‘yung character na pinortray ko kaya okey na sa akin kahit hindi nila ako tawaging Gina, Lola Gets na lang,” bungad ni Gina nang makapanayan ng ABS-CBN.com sa stage pagkatapos ng awards night. “Maraming-maraming salamat sa PMPC at sa mga manonod dahil hanggang ngayon ay hindi ninyo pa rin ako binibitawan. Talagang dapat ganu’n, walang bibitiw sa atin. Salamat ng marami sa mga manonood dahil hanggang ngayon, e, wala kayong sawang sumusubaybay sa akin,” masayang pahayag pa ni Gina.

Sa ngayon, busy na si Gina sa pagti-taping ng kasunod niyang teleserye sa ABS-CBN pagkatapos ng Tayong Dalawa. “Ang ginagawa ko ngayon ‘yung Kung Tayo’y Magkakalayo. Kami nina Kris Aquino, Gabby Concepcion, Albert Martinez, ‘tsaka si Coco (Martin) kasama ko rin.” Hindi kaya hanapin pa rin ng viewers ang character niya na si Lola Gets sa bago niyang teleserye? “Kailangan naman iba. Pero siguro magugutsuhan naman nila ang istorya namin.” Sa tingin niya mabubura pa si Lola Gets sa katauhan niya? “Hindi na siguro. Kailangan lang tutukan ko ‘yung character na bago para ma-ano, ‘yung tipong lumaban.”

Busy rin sa iba niyang projects outside of ABS-CBN si Gina. “‘Yung ginagawa ko ngayon kay Regine Velasquez at ‘yung kay Aga Muhlach, ‘yung Omboy and Burns. Tapos gagawin ko ‘yung shooting ng Working Girls 2010. Ang anak ko si Eugene Domingo,” tapos ni Gina.

Source: ABS-CBN.com
 

Coco Martin on winning his Best Actor trophy for TV: ‘Ito yung kabayaran ng pahihirap namin’

Category: By Administrator

Sa unang pagkakataon ay tinanghal na Best Drama Actor si Coco Martin sa 23rd Star Awards for Television para sa mahusay na pagganap niya bilang si Ramon sa matagumpay na teleserye sa Primetime Bida ng ABS-CBN na Tayong Dalawa. Kanino niya inaalay ang kanyang award? “Sa lahat, lahat. Sa pamilya ko sa indie (independent films), sa mentor ko kay Direk Dante (Mendoza) kasi siya ‘yung naghubog sa akin, eh. Ah, sa lahat, sa lahat ng boss ng Channel 2 para makapagtrabaho sa ABS,” simula ni Coco pagkatapos niyang tanggapin ang kanyang trophy sa Star Awards. Pang-ilang trophy na ba niya ang nakuhang award sa Star Awards? “Hindi ko na alam, e. Pero eto ‘yung first time na nanalo ako sa TV.” Ano’ng naramdaman niya nu’ng tawagin ang name niya? “Sobrang saya, sobra ang blessing ko this year. Sabi ko, ‘yung pagkakapanalo ko lalo na sa mga indie film ko and then, nanalo rin ako sa PMPC.” Sino naman ang pinakamalapit na babae sa puso niya na pwede niyang alayan ng kanyang award? “Wala pa, e. Sa lola ko, actually. Hehe. Nalungkot nga ako, e, kasi sa sobrang nerbyos ko hindi ko nabanggit, e, para sa lola ko.”

First time lang na-nominate ni Coco sa Star Awards for TV, nanalo agad siya. Kaya malaki raw ang meaning para sa kanya ng pagkakapanalo niya this time. “Sobrang laki ah, kasi ano, siyempre kumbaga nire-represent ko rito lahat ng production, lahat ng bumubuo sa Tayong Dalawa. Eto ‘yung kabayaran sa lahat ng paghihirap namin.” Sa pagkakapanalo ni Coco sa Star Awads for TV mas hihigpit daw ngayon ang agawan ng trono bilang top dramatic actor sa hanay ng mga artista ngn ABS-CBN sa 2010. “Hindi naman pero parang ito lang siguro ‘yung ano ko, parang at least napatunayan ko na may patutunguhan talaga kung may pagsusumikap ka at talagang pagtatrabahuan mo lahat ng ginagawa mo.” Pero may mga nagsasabi na marami raw talaga siyang matatabunang actor sa 2010 sa ABS-CBN. Naniniwala ba siya? “Hindi naman. Marami naman ‘dyan. Kumbaga, kuntento na ako. Kuntento na ako na ma-appreciate ang trabaho ko, lahat ng ginagawa ko ‘yun na.”

Excited na sa pagsabak si Coco sa bago niyang soap na Kung Tayo’y Magkakalayo. “Naka-first day (shooting) na ako. Kasama ko doon si Kris Aquino, Albert Martinez, Gabby Concepcon, Gina Parneo, si Kim Chiu, si Gerald Anderson. Bale ako ‘yung step son ni Albert. Ibang-iba sa Tayong Dalawa. Ibang istorya, ibang character naman ang gagawin ko dito. Sana abangan nila kasi isang napakagandang soap opera rin po ito gaya ng Tayong Dalawa,” tapos ni Coco.

Source: ABS-CBN.com
 

Pinoy Big Brother Blog!

Category: By Administrator
Visit http://pbbtv.blogspot.com to know all the latest news and updates inside and outside Kuya’s house!!!

http://pbbtv.blogspot.com
 

I Love You Goodbye Official Full Trailer

Category: By Administrator
 

Kim Chiu is overwhelmed by the support and loyalty of her fans

Category: By Administrator

Lubos ang success na tinatamasa ngayon ng Pinoy Big Brother first Teen Edition Big Winner na si Kim Chiu. Sobrang busy ngayon ang schedule ni Kim dahil kaliwa’t kanan ang kanyang mga proyekto. Sa ngayon, ginagawa na ni Kim ang next teleserye niya with onscreen partner Gerald Anderson at Kris Aquino, ang Kung Tayo’y Magkakalayo. In the works na rin ang second solo movie nila ni Gerald, ang Paano na Kaya due next year. Kakaibang Kim naman ang mapapanood sa pelikulang I Love You, Goodbye na official entry ng Star Cinema sa Metro Manila Film Festival this Christmas.

Ayon nga kay Kim, isang malaking career move ang ginawa niya sa pangtanggap sa role niya sa I Love You, Goodbye. “Kahit ako nagdalawang isip ako kung tatanggapin ko ito o hindi kasi natatakot talaga ako na sobrang maldita. Galit siya sa lahat ng bagay, eh. Hindi ko naman laging ginagawa ‘yun,” ani Kim. Kasama ni Kim sa pelikula sina Angelika Panganiban, Gabby Concepcion, Derek Ramsay, Angel Aquino, Matet de Leon, Ces Quesada, Joem Bascon, Chris Villanueva, Ketchup Eusebio and Janna Domingo sa ilalim ng direksyon ni Laurice Guillen.

May nagsasabi ring malaki ang tsansa ni Kim na manalo ng best supporting actress para sa nasabing pelikula subalit tumawa lamang ang aktres at sinabing malaking milagro ito kung mangyari man. Pero isa lang ang sigurado ng aktres, at ito ay ang libu-libong nagmamahal na fans sa kanilang dalawa ni Gerald. Kim is really grateful to the fans who support her ang Gerald tirelessly. Na-overwhelm din si Kim sa turnout ng text votes nang madeklara siyang Pop Cover Girl habang si Gerald ang nahirang na Pop Pin-up Boy sa ASAP Pop Awards. Sabi ni Kim, “Sa Pop Awards ang tataas ng votes namin sobra sa text votes, alam ko dahil sa kanila ‘yon.”

Nakalaban ni Kim sa nasabing katergorya sina Angel Locsin, KC Concepcion at Cristine Reyes habang kasamang na-nominado ni Gerald sina Xian Lim, Ejay Falcon at Mark Bautista.

Source: ABS-CBN.com
 

Kung Tayo'y Magkakalayo Teaser

Category: By Administrator
 

Kim Chiu for I Love You Goodbye

Category: By Administrator